Gaano katagal na nga ba? 2 years, 8 months, 19 days. Ang tagal na pala. Sa sobrang tagal, nainlab at nakahanap na nga ko ng bagong boypren. Pero bat ganun? Di ka parin mawala sa isip ko. Not that iniisip kita 24/7 and everything pero.. siguro mga ilang beses sa isang buwan. Kung hindi kita hinahanap-hanap, gusto kitang kausapin. O di kaya gustong makita. Kung wala naman dun.. napapanaginipan kita. Tapos.. gusto kong ibalik yung dating tayo. Masaya tayo eh, masaya.. Alam mo naman siguro kung anong ibigsabihin ko. Yung kahit hindi tayo nagpapansinan at walang physical contact, nararamdaman kong mahal mo ko at vice versa. Okey na tayo dun eh, okey na ko dun. Pero bat ganun? pagtapos ng dalawang buwan, bigla ka nalang nawala? Mula sa araw araw magkachat, naging araw araw kang invisible. Mula sa araw araw magkatext, biglang nawala nalang na parang bula. Pero okay lang, “tiis tiis muna.” Sabi ko. Baka kasi may problema ka lang, oh nawalan ng internet connection, or baka nasira yung computer. Lahat ng pwedeng isipin naisip ko na yata, halos mabaliw baliw nako. Hanggang sa isang araw, sabi sakin ng mga kaibigan ko, may sasabihin daw sila sakin, importante.
Gumuho yung mundo ko, haha. OA, grade six palang eh. =)) Pero masakit. Iyak ako, iyak ng iyak. Sabi kasi nila, ganito daw. Sabi kasi nila, ganun daw. Sabi kasi nila, nakita daw nila na ano. At sa tingin ko, nagsasabi naman sila ng totoo. Pano ko nalaman? nakikita at napapansin ko rin kasi. Hindi naman ako manhid para hindi ko mapansin at maramdaman na niloloko na ko. Pero okay na yun ngayon, natatawa nalang ako tuwing naaalala ko. Ilang buwan ba kong nagpakamartyr? haha. november, december, january, february, march, april, may! Pito! Pitong buwan ako naghintay sa wala. Nung ika-walong buwan natin, nakatanggap ako ng offline message sa Y!M. Happy Monthsary daw. Haha. Katuwa lang~ lolz. Graduation na, umuwi mama ko. Wala lang, nabanggit ko lang dito, bago kasi siya umuwi sinabi ko sakanya na lumandi na yung anak niya, nagka-perslab na. Hahaha. Pers lab, pers heartbreak. May 21, birthday ko. Meron pang “Save The Last Chance.” na drama. Sabi ko kasi, kung hindi mo ko babatiin o kakausapin sa birthday ko, aba, ang kapal ng mukha mong magpakita pa sakin at sabihing boypren kita. De joke. Imposible, wala nga palang pansinan at physical contact. Haha. Tapos yun, minessage kita sa Y!M, sabi kom tapusin na natin yung lokohang nangyayari. Haha. Kinabukasa, may offline message akong natanggap, Happy birthday, sabi mo. Naiyak lang ako, Bat ganun? Kung kelan ako nakipaghiwalay at kung kelan ko tinapos yung lahat, tska ka nagmessage. Hihintayin ko kasi dapat hanggang 12am. Kaso sabi ko sarili ko, tama na siguro yung ilang buwan na pananahimik at pagpapakatanga, tama na siguro yun. Tapusin na lang natin lahat. A day before magpasukan, June 14 ata, nakatanggap ako ng message galing sayo. “tma lng nging desisyon mo.,dhil pag pnagpa2loy pa ntin 2 lgi ka lng mssaktan..cnabihan na kita noon pero nde ka naniwala..tanggap ko nmna eh..ayaw kita maskatan ng mtagalan eh kc ikaw nga unang babae na minahal ko eh..kya pnpalaya na kita..pero ikaw nde kita papalayain.,nandito ka parin sa puso ko nka kulong at hinding hindi na kita papakawalan .,lgi kita dla dala kung san man ako pumunta..nde tlga kta kkalimutan…..jiane nicole chan mallari tandaan mo ikaw ang una kong minahal at ikaw na rin ang huli………………..”last”…..I LOVE YOU..”
..And maybe I haven’t moved on since that night. Kaya rin siguro there’s a part of me na naiwan sayo. That’s because you never let go. Kinulong mo na nga ako jan sa puso mo, sabi mo diba? Baka kaya siguro ganun. Pero I’m happy, na magkaibigan tayo ngayon.
P,S: Hindi ko alam, kung hanggang ngayon.. natutupad po parin yang sinabi mong first and last love. Pero kahit anong nararamdaman mo sa kahit sino ngayon, Mahal kita. Mahal na mahal. At wala nang makakapagpabago nun, pers lab. :)
